Ni Miguel Paolo Celestial
Itong umagang galing sa panaginip
na may marahang init at simoy
na bumubulong ng mga pangalang
matagal nang nalimot at naitiklop
sa mga dahong ngayong bumabalik,
kasama ng usok ng ihawan,
kumaluskos kasabay ng tsismis
ng pulutong sa sidewalk.
Banayad ang liwanag na bumibilad
sa mga paslit at nagpapakinang
sa sabon-panlabang isa-isang
nabubuo at pumuputok ang bula,
saglit na bahaghari ng alaala.
Sunday, March 21, 2010
Hinubad niya ang lahat ng kanyang damit
ni Miguel Paolo Celestial
Hinubad niya ang lahat ng kanyang damit — ng matandang lalaking
nakasalubong ko sa locker room ng gym — nagbuntong-hininga
sa harap ng timbangan, may uban sa likod bukod sa bumbunan.
Napabulong ng mura o maaaring taimtim na dasal para sa kanyang sarili
o sa mga anak at apong sa sandaling iyon gusto niya munang kalimutan
makabalik lamang sa kanyang lumipas at ngayo'y inaasam na pagkabinata.

Labels:
Malikmata,
Miguel Paolo Celestial,
tulang tuluyan
Subscribe to:
Posts (Atom)