Ni Miguel Paolo Celestial
Magtatagpo tayo sa kanto ng madilim na kalsadang pinaka malapit
sa inyong apartment, banda sa unang kanan mula sa magkatapat
na Shell at Petron, di gaanong nalalayo mula sa simbahan
at 7-Eleven. Sa huling kinse minutos bago mag-ala-una.
Gusto sana kitang sabihang kaunti lang ang aking oras,
marami pa akong kailangang tapusin, ngunit biglang magpapalit
ang ilaw ng trapik at ngingitian kita sa iyong paglapit.
Pag-akyat ng hagdan, susulyapan ako patagilid ng sekyu.
Pipindutin ko ang elebador tulad ng pagpindot ng microwave
na nagpapainit sa anumang lumamig. Dadaan tayo sa pasilyo
ng magkakamukhang pinto. Minsan, di ko maaalala ang iyong pangalan,
ang kalsada lamang at kung paano makarating sa iyong tirahan.
Namumugto lagi ang bumbilyang kailangan nang palitan. Sa loob ng silid,
nakahilera ang mga sapatos. Iba-iba ang sukat. May tatlong kutson
sa sahig at may dalawang double-deck: higit na sapat sa kalahating
oras ng pakikipagtalik na mahuhugasan ng shampoo sa sachet at sabong
buy-one-take-three. Kapag natapos na ang lahat aabután mo ako ng isang
baso ng tubig at tatanungin, tulad ng dati, Nag-enjoy ka rin ba?
at ang isasagot ko uli ay Matagal na ba kayong dito nakatira?
Showing posts with label Miguel Paolo Celestial. Show all posts

Wednesday, September 14, 2016
Thursday, June 30, 2016
Pasada
Ni Miguel Paolo Celestial
Habang nag-aabang sa estayson, sinalubong ako ng treng lumusong
sa dilim. Taimtim ang bumbilyang nakadilat kahit bulag. Sumayad
ang sasakyan bago tuluyang tumigil. Magkabila ang upuan, nakatitig
ang mga pasahero sa mga espasyo at sa bintanang dumidilim
at lumiliwanag. Nilalampasan ang mga bus at kotse, ang matatayog
na gusali, ang barumbarong ng bilbord na di maaninag sa mabagal
na agos ng ilog. Tulad ng sakay, labas-pasok ang alaala ng nakalipas
at nakaraan. Isa-isang bumababa at nag-aabang sa kalsada, mga ligaw
at limót na kaluluwa. Sa dulo ng biyahe, walang naiiwan kundi
ang alingawngaw ng gabi sa dibdib, ang nakalatag na riles
na nakakapit hanggang sa siyudad ng panaginip. Punô ng sakay
ang FX, tig-isang sulok ng dilim. Inaabót dati lagi ng gabi ang aking
biyahe papunta sa iyong apartment. Sa dinami-dami ng nakatabi,
ng mga nakitang tumatawid habang nakapreno ang sasakyan, naiinip,
ang mukha mo lamang ang natitirang larawan na di binabawi
ng paglubog ng araw. Hanggang sa pagpara ko sa kanto ng Mayon
at Makiling, hanggang sa pananabik habang naglalakad bago kumatok
at tumimbre sa tarangkahan, hanggang sa hapon na iyon nang wala akong
natanggap na tugon mula sa iyo sa aking selepono. Inaamag ang gunita
sa taxi, nakakapit sa marungis na apholstri. Nakadikit sa kutson
ang pinaghalo nating pawis at limahid ng magkakasunod na gabi
ng pakikipagtalik, ang lagkit ng ating panlilígaw at ang lamig
ng ating pagkaligáw nang di ko man lamang masabi sa iyo, katabi sa kotse,
ang di maipaliwanag na mingaw. Sa text pinaabót ang di magkaabot-abot.
Nagsimula nang dumaloy ang ulan sa salamin, kumikinang sa pulang
ilaw ng stoplight. Di ko magawang lumingon. Pinakapal ang dumi
ng tela sa upuan ng gunam-gunam. Hugis pasâ ang mga mantsa,
sunóg sa gilid. Kulang na lang ay buksan ko ang pinto at maglaho.
Bihirang panis ang tsismis ng panibagong tsuper. Habang nakikinig
sa radyo at sa kanyang kuwento, sinasalat ko ang kurduroy, binibilang
ang laktaw sa pagitan ng dati kong katabing laging kasabay pauwi.
Hinahanap ng mga daliri ang kilalang gaspang at kinis. Natatagpuan
lámang ang hiwang nagluluwa ng goma. Lagi akong umuupo
sa may bintana ng bus. Tuwing ginagabi at walang trapik,
humaharurot ang sasakyan at wala akong naririnig kundi ang hangin.
Nagsasanib ang ilaw ng mga kondominyum at opisina. Walang sinlinaw
ang kinang ng buwan. Nakasuksok sa likod ng upuan ang binilot at itinuping
ticket, ang nanuyo at nanigas na babolgam. Nakatalâ sa likod ng sandalan
ang mga pangalan ng pasahero, pangako ng pag-ibig. Tinatangay
ng hangin ang singaw ng anghit, ang bantot ng nabubulok na kahoy.
Walang laman ang abenida, parang patlang sa gitna ng buntonghininga.
Biglang may tumabi sa akin at napahawak ako sa sariling bulsa.
Ngunit di man lang siya lumingon o sumilip sa bintana. Ipinikit
ang mga mata hanggang nilapitan ng kunduktor at siningil ng bayad.

Wednesday, June 29, 2016
Bushfire sa Australia
Ni Miguel Paolo Celestial
Sa lubha ng init, unang nagliyab ang tuyong damo. Walang katabing panggatong
sa alikabok. Ngunit kusang nabuo ang dila ng apoy nang naibigkas ng araw
ang sumasayaw na salita ng kanyang deliryo sa nakasabit na dahon. Kinain pati
ang nangangating sanga, ang balîng braso, balikat, hanggang ulo ng maliit na punò.
Nagkabaga at puso ang gútom at lungkot galing desyerto. Inilugay ang buhok galing
sa puyo. Gumapang ang nagliliyab na ahas hanggang natutong mangusap.

Labels:
Filipino poetry,
Miguel Paolo Celestial,
tula,
tulang tuluyan
Saturday, October 17, 2015
Katawan ng Liwanag
Ni Miguel Paolo Celestial
Mata
Maghapon sa isang sulok ng silid: malalagas ang dahon ng sampalok,
lulusot ang silahis sa salamin. Lumulubog ang araw sa laot, lumilipad
ang kalapati pauwi. Nananatili ang iyong tingin kahit sa pagdilim
ng tubig, kahit sa kinang ng luhang sinlaki ng dagat pagpikit.
Noo
Walang sinlawak ang abot-tanaw ng pamamaalam at ang pinaka huling bakas
ay tatak ng labì sa balat, nananatili tulad ng lamlam ng lampara sa gunita,
init sa ilalim ng kubrekama. Magkasabay nating tiningala ang langit.
Sa isang haplos, napawi ang mga ulap. Nagsanib ang ating panganorin.
Pisngi
Nauunang sumikat ang liwanag sa iyong mukha. Bumabangon
ang parang sa huni ng maryakapra. Hinahaplos ng hangin ang inaantok
na damuhan. Kulay kalimbahin ang langit na unti-unting lumalawak
at umiinit. Mamumula ang bakas ng halik bago sumilay ang ngiti.
Tainga
Kung alam ko sana ang sasabihin para matawid ang dilim sa pagitan
natin. Walang laman ang katahimikan tulad ng mabatong dalampasigan:
bagong káti, nagkalat ang basag na korales. Sisiksik ako sa iyong tabi,
ngunit lalo kang lalayo sa aking piling. Nalulusaw ang bulong sa buhangin.
Labì
Magkasunod ang kidlat at kulog, ang paghiwa at panginginig.
Pagbiyak natin ng talaba, kakagatin ang laman, masusugatan. Nagliliyab
ang bugambilya sa pugad ng tinik, ngunit di natutupok ang bulaklak.
Walang dumadanak kahit anong talas ng ating paglalambing.
Leeg
Humihimbing ang hardin. Dumudulas ang dila sa pawis. Lumalalim ang hininga,
humihigpit ang kapit. Pagpikit, guguhit sa balat ang kidlat. Sisikip ang yakap
ng dilim at langit. Maglalaho ang hiwa ng buwan. Namumuo sa lupa ang di makasingaw
na alimuom. Humihigop, humuhugot ang mga halik. Dumadaloy sa salamin ang tubig.
Likod
Walang pakpak ang iyong mga hilik na naririnig mula sa aking panig
ng kama. Walang takas ang anumang natitirang galit sa aking dibdib na ilalapat
sa iyong balat. Iisa ang ating anino sa silid, iisa ang puder ng pintig.
Nakadantay ang panunggab at pananggalang na biyas at bisig. Sa’yo nagpadaig.

Thursday, June 7, 2012
Tsubibo
Ni Miguel Paolo Celestial
Umangkas tayo sa tsubibong hugis pugita
matapos ng apat o lima pang sakay na lumusong
sa kuweba, gumulong parang bisikleta, at bumulusok
mula sa tuktok ng burol. Umikot at uminog
ang tsubibo tulad ng turumpong patuloy
na pumipihit. Nakapakò ang ating titig sa isa't isa.
Habang lumulubog at pumapaibabaw ang sasakyan,
kumikinang at pumupusyaw ang mga araw
sa iyong mga mata, sintingkad ng etiketa.
Pagbaba, umiikot pa rin ang perya, ang mga tao,
pati ang nahanap nating upuan. Sabay tayong
napaduwal, nalasahan ang pinagsaluhang
hapunan. Ngunit pagtayo at pagpunas ng panyo,
ayaw matanggal ang asim sa aking lalamunan.
Sumabit ang galamay ng asido. Patuloy na sinusunog
ng bituin ang dilim. Hindi ko alam kung iyon
ang huling gabing nagningning ang iyong pagtingin.

Wednesday, May 30, 2012
Ang Paglilitis kay Renato Corona
Ni Miguel Paolo Celestial
Nangyari na nga ang inaasahan at hinamon ng butiki
ang palaka, ang ahas, ang bayawak, at ang buwayang
ibulgar ang kanilang kaliskis, ang kulugo at lagkit,
ang biyak na dila, ang kamandag sa balat at pangil.
Nangyari ang inaasahan at ibinalik ng butiki ang paratang
sa mga tagapaglitis na nakabihis lahat sa bátang kulay
alak. Hinamon ng punòng mahistrado ng kataas-taasang
hukuman ang kagalang-galang na mga mambabatas
na hubarin ang salamin at ipakita ang matang nanlilisik:
pabulaanan ang mga hinala sa laki at laman ng pugad,
sa mga dinaklot na itlog at dinukot na manok. Pasinungalingan
sa taumbayan ang alingasngas na gumagapang at lumulundag.
Nangyari na nga ang inaasahan at ipinanturo ng butiki
ang kanyang dila dahil nang tinagâ ang kanyang buntot,
wala nang pumalit. Di maalis sa kisame ang kamay
at paang malapit nang mawalan ng kapit. Pilit minaliit
ang paglamutak sa gagamba at lamok. Ngunit walang
luhang maipiga, walang tumulo sa makapal na katad.
Napukaw ang bulwagan ng sagitsit at kokak, napanganga
ang mga bungangang punô ng matatalas na ngipin.
Nangyari na nga ang inaasahan sa mga pinagbintangang
mambabatas: natuyo ang laway ng ahas, tumahimik
ang buwaya, at nagpigil ng hininga ang palaka.
Nangyari ang inaasahan at pumalakpak ang madla.
Sunday, May 20, 2012
Ondoy
Ni Miguel Paolo Celestial
Umiikot ang bentilador sa restawran sa ibaba.
Dumaraan ang mga tao, pinapanood ng mga naghahapunan.
Lumipas na ang tag-ulan. Napagmamasdan ko na ngayon
ang paglampas ng oras: ang pila sa pelikula, ang mga sandali
bago ng palabas. Ngunit bumabalik pa rin ang eksena
ng humahampas na bagyo, ang ating mga pisnging
naaampiyasan. Ang pagmasid nang hubad mula sa balkonahe,
mula sa kama, mula sa kotseng muntik nang tumirik sa bahâ.
Nagbubulatlat ako ng diyaryo tuwing umaahon ang umaga.
Hinihintay pumatak lahat ng kape sa salaan, mag-isang
humaharap sa hapag. Walang ulap ang liwanag
ngunit di ko na maalala ang mga linya ng iyong mukha,
di na mabása tulad ng mga librong tinigmak ng putik –
tinatago-tago at ayaw ibilad. Ayaw itapon kahit di na maisasalba.
Lusaw ang mga pahina, nagkadikit-dikit ang mga pangungusap.
Di ko inasahang mahalin ka. Nahugasan na ang lagkit
sa aking kuwarto mula sa umapaw na tubig galing banyo,
ngunit di pa rin natutuyo ang ating damit, ang mga halik.
Ang luhang di ko mapunasan dahil nanatili sa dibdib.

Saturday, May 5, 2012
Bitin
Ni Miguel Paolo Celestial
Iniwan mo ako sa laot na walang sagwan.
Walang hangin at walang alon. Tumigil
ang manunugtog bago bumalik sa koro.
Paano ko malalaman anong susunod?
Iniwan mo ako sa laot na walang sagwan.
Walang hangin at walang alon. Tumigil
ang manunugtog bago bumalik sa koro.
Paano ko malalaman anong susunod?
Malikmata
Ni Miguel Paolo Celestial
Galing itong umaga sa panaginip na may marahang init at simoy na bumubulong ng mga pangalang matagal nang nalimot. Naitiklop sa mga dahong ngayong bumabalik, kasama ng usok ng ihawan, kumaluskos kasabay ng tsismis ng pulutong sa sidewalk. Banayad ang liwanag na bumibilad sa mga paslit at nagpapakinang sa sabon-panlabang isa-isang nabubuo at pumuputok ang bula. Saglit na bahaghari ng alaala.
* * * * * * * * * * * *
Hinubad niya ang lahat ng kanyang damit — ng matandang lalaking nakasalubong ko sa locker room ng gym — nagbuntong-hininga sa harap ng timbangan, may uban sa likod bukod sa bumbunan. Napabulong ng mura o maaaring taimtim na dasal para sa kanyang sarili o sa mga anak at apong sa sandaling iyon gusto niya munang kalimutan makabalik lamang sa kanyang lumipas na pagkabinata.
* * * * * * * * * * * *
May malaking anino ng pakpak na biglang dumaan sa tuyong damuhan, sampung tao ang lapad. Umaalon-alon ang itim na hugis, parang sumisisid sa sahig ng dagat. Pagtingala, wala na akong makita sa langit kundi ulap. Di ko maalala ang iniisip kanina, dinagit ng dambuhala.
* * * * * * * * * * * *
Umaalingasaw ang imburnal sa init ng Divisoria. Kumalat ang burak at putik sa kalsada, isinuka kagabi ng kanal na pinunô ng ulan. Lumutang ang itim na lumot sa agos, bumula sa bawat patak. Nagsasanib ngayon ang amoy sa ibinilad na isdang kahapon lamang ay walang muwang na lumalangoy.
* * * * * * * * * * * *
Kumakaway-kaway ang plastik na pusa mula sa harap ng taxi, kulay ginto ang katawan at pulá ang labì. Tila ipinapaalalang mayroon akong nakaligtaan, nakalimutang gawin, naiwan sa bahay. Matindi ang sikat ng araw. Sa ganitong oras, tamang-tama lang ang init sa balát. Ngunit parang gusto kong magtago sa anino, umuwi sa lilim ng aking kuwarto. Pagtingin ulit sa labas, lumakas ang aking kutob ng kulimlim.
* * * * * * * * * * * *
Tuwing papatayin ko ang kompyuter o telebisyon, susundan ako ng tingin ng blangkong iskrin. Mukhang batis sa dilim. Para akong yumuyuko sa balon. Sa aking isip, kumikilapsaw ang tubig. May nagpapanginig. Tila bangin ang itim na salamin. Nagbabalik ng tinig at titig.

Monday, April 30, 2012
Kitakits sa McDo
Ni Miguel Paolo Celestial
Kung ikaw ay nalulumbay o punô ng stress,
pisilin mo ang lahat ng ketsap sa maliliit
na pakete at isawsaw isa-isa o tigalawa
ang paboritong Twister Fries. Malilimutan mo
ang problema sa sarap. Lalo kung sasabayan
ng malamig na baso ng Coke, yung punô
ng kumakalatok na yelo. Go Large nang di mabitin
sa manamis-namis na pananggal-umay
na bagay na bagay sa pinirito at mamantikang happiness.
Kapag saksákan naman nang init, patunawin lamang
ang sorbetes sa McFloat at lasapin sa bawat
sipsip ang malapot na pampalamig. Itodo
ang ngilo sa McFlurry na may pira-pirasong Oreo.
Huwag ka nang mainis sa iyong boss.
Umorder na lang ng Big Mac sa 8-McDo.
Mapapawi ang iyong galit sa 100% pure beef.
Sigurado ka pang mabubusog. Kung may nakipag-
breyk at nagdurugo ang iyong puso, naluluha
ka pa rin tuwing siya ay maisip, gawing Double
ang iyong Cheeseburger. Para siya ang magselos.
Huwag ka nang malungkot kung laging ubós
ang iyong pera. Abot-kaya ang beinte-singkong
McSavers at singkuwentang McSavers Meals.
Kung magipit ka man, mabilis lang pag-ipunan.
Samantala, pumunta ka muna sa pinaka malapit
na panaderya at isipin mo na lang Hamdesal yan!

Saturday, April 28, 2012
Sa Ayala Triangle Gardens
Ni Miguel Paolo Celestial
Kanina pa naghihintay ang helikopter
sa rooftop ng Allied Bank sa Ayala Ave.,
walang patay ang makina at eliseng sumasabay
sa ingay ng lonmower ng hardinero dito
sa Ayala Triangle Gardens. Kasama sa koro ang harurot
ng trapik, ang pagkalabog ng mga mason sa isa
sa maraming itinatayong gusaling aangkin
sa sariling kuwadrado ng langit.
Nagdadaldalan ang mga naglalakad lampas
sa kapihan, ang bawat lagatok ng takong ay tandang
padamdam. Kumakaluskos ang dyaryo ng nagsisigarilyong
de-barong. Sumusunod sa kumpas kahit ang hangin
sa hardin. Maaliwalas sa lilim ng punò sa damuhan.
Pagdating ng hapon, lalabas ang mga yaya karga-karga
o tulak-tulak ang mga anak ng expat. Magsisimula nang
magjaging ang mga empleyadong maagang lumabas.
May maglalatag ng mantel sa tabi ng akasya,
magmemeryenda. Matapos ang siyesta, may darating
na munting bisikleta. Malimit may ipinapasyal na ásong
laging may tagapulot ng dumi. Ikot nang ikot
ang mga nag-eehersisyo, makukulay ang suot na sintingkad
ng mga eskulturang nakapalibot sa mga bangkô.
Laging hanggang tatlo ang rumorondang sekyu sa perimetro.
Minsan may isang aleng mahaba ang uban, walang pusód,
at naka tsinelas na tahimik na umupo sa isang sulok.
Hinahalukay ang kanyang gamit sa loob ng ilang bag
at plastik. Nagwalâ nang nilapitan ng unipormadong
mamàng humawak sa kanyang braso. Napatingin
ang mga dumaraang nakiusyoso. Lalong nagalit
ang matanda nang may ibinulong ang sekyu. Nagdadabog
na tumayo at ipinagmumumura pati ang mga usiserong
isa-isa namang nagpatuloy sa paglakad at pagtakbo.
Umiiling-iling, muling gumaan ang pakiramdam pagkalayo.
Bihirang hindi bagong tabas ang halaman sa kalagitnaan
ng parke, iba’t iba ang korte. Tuwing mangangalirang
ang damo, kagad papalitan ng pari-parisukat na punla.
Sa gilid ng lote, naglalagas ng apoy ang kabalyero.
Mataas ang rehas na ikinakandado pagsara
ng mga opisina at restawran. May bahagharing kumikinang
sa tubig ng fountain sa harap ng Ayala Tower One.

Eksena
Ni Miguel Paolo Celestial
Magtatagpo tayo sa kanto ng madilim na kalsadang pinaka malapit sa inyong apartment, banda sa unang kanan mula sa magkatapat na Shell at Petron, di gaanong nalalayo mula sa simbahan at 7-Eleven. Sa huling kinse minutos bago mag-ala-una. Gusto sana kitang sabihang kaunti lang ang aking oras, marami pa akong kailangang tapusin, ngunit biglang magpapalit ang ilaw ng trapik at ngingitian kita sa iyong paglapit.
Pag-akyat ng hagdan, titingnan ako patagilid ng sekyu. Pipindutin ko ang elevator tulad ng pagpindot ng microwave na nagpapainit sa anumang lumamig. Dadaan tayo sa pasilyo ng magkakamukhang pinto. Minsan, di ko maaalala ang iyong pangalan, ang kalsada lamang at kung paano makarating sa iyong tirahan. Namumugto lagi ang bumbilyang kailangan nang palitan. Sa loob ng silid, nakahilera ang mga sapatos. Iba-iba ang sukat. May tatlong kutson sa sahig at may dalawang double-deck: pansamantalang tulugang sasapat sa pakikipagtalik na mahuhugasan ng shampoo sa sachet at sabong buy-one-take-three. Kapag natapos na ang lahat aabután mo ako ng isang baso ng tubig at tatanungin, tulad ng dati, Nag-enjoy ka rin ba? at ang isasagot ko uli ay Matagal na ba kayong dito nakatira?

Araw Gabi
Ni Miguel Paolo Celestial
11:58
Gumagapang ang anino sa dingding,
gagambang ginambala ng hangin.
Maghahatinggabi, tumutulo ang tubig
sa lababo ng katahimikan.
Pumapatak ang mga sandali, dumadaloy
patungo sa ilog ng panaginip.
Nagbubuhangin ang aking oras,
idinidikdik ng bumibigat na kumpas,
nag-iipon na pulbong tinitikman
ng yumuyukong butiking tumitiktik.
Ilang minuto, ilang araw at linggo
ganitong napapatigil, napapatunganga
sa dyip, opisina, almasen, at simbahan
tulad ng pagtitig sa salaming
walang ibinabalik? Laging may simoy
na kumakaluskos sa mga dahon:
sinasalat ng aking mga daliri ang mga bagay
habang nilulusong ang kalsada
ng tao, busina, alikabok, at etiketa.
Ngunit sa bawat pag-uwi di mawari
kung ano ang nadama. Laging dumadapo
ang kutob na sa bawat araw na lumubog
papalayo nang papalayo ang aking anino,
ang aking kamay sa pinto.
07:15
Bumubusina na ang basurero. Isa-isang
ilusot ang mga butones ng polo, higpitan
ang relo sa pulso at kurbata sa kuwelyo.
Hiwaan ng hati ang buhok habang hinihiwalay
ang sariling para lamang sa trabaho. Itupi at ibulsa
ang tinig kasama ng inalmirol na panyo.
Ilaklak ang kape habang nilalanghap
ang umaga sa isang buntonghininga. Wala nang
oras umupo sa almusal. Pagsilip sa bintana,
sumasayaw ang sinag sa dahon ng bugambilya.
Walang bihis ang liwanag na binabati ng huni,
walang sukat na awit ng maya. Sumasabit sa tinik
ng bulaklak ang aking lalamunan. Paglampas
ng tarangkahan, nakaalis na ang mga tagahakot.
Tangay ng trak pati ang aking lakas na lumingon.
2:06
Sinusundan ang yapak at yabag ng dumaraang tao,
ang nalalagas na mga salita habang sunod-sunod
na pinapatay ang sindi ng mga tindahan.
Para akong dayong nag-aabang ng kapalaran
sa mangilan-ngilang upuan ng kapihan, di maalala
ang pagkakapadpad. Isinusulat sa napkin
ang bulong ng simoy, ang hiling ng usok,
ang pahimakas ng dahong tinangay ng humarurot.
Kumakalansing ang inililigpit na kubyertos,
sumasagi sa platito, sa tasang pinaglatakan
ng kape. Lumulutang sa maulap na himpapawid
ang mga bituin tulad ng múmo sa sabontubig.
Namimitig ang binti ng lamesa. Malamig ang rabaw
na marmol sa aking pisngi. Magbabakas sandali
ang init. May pingas ang baso, mapait na lasang
naiwan sa bibig. Walang kahulugang ikinukubli ang gabi.
Dumarating ang alinlangan tulad ng madalang
na sasakyan. Para akong palitadang di alam
kung anong dumaraan, nararamdamang dumadagan.
12:10
Please flush the toilet after use. Properly dispose tissue
paper in the trash bin. Turn the lights off as you leave.
Pagtingin sa salamin, walang nakikita kundi ang laman
ng banyo ng kapihan, ang ilaw ng bumbilyang kumikinang
sa baldosa. Isa-isang bumabalik ang tila pinagdugtong-dugtong
na mata, ilong, bibig. Sandaling iniwan ang opisina
para mananghalian, nangangawit pa rin ang aking isip.
Paglabas, kulay plema ang araw sa lalamunan
ng tabi-tabing gusali. Paglingon sa kabilang lamesa,
binugahan ng usok ng sigarilyo ang aking mukha.
Pinaiigting ang init ng tanghali ng garalgal
ng motor at lutong ng malapapeles na pag-uusap.
Napupusyaw ng ingay ng negosasyon, miting, at tsismis
ang kulay ng kotse, kurbata, at pananamit. Abuhin
pati ang lumiligid-ligid na sulyap, mapagkuwentang
mga tingin. Hanggang dito kaharap ko pa rin ang iskrin.
Nalalasahan ang pasta ng naipulupot kong dila, nilulunok
ang naiwang asim ng pakutkot-kutkot na pananalita.
Kahit karton, goma, at plastik, wala na akong di kayang nguyain.
Natutuhan ko na ring paliitin ang tinig at patalasin ang ngipin.
1:46
Kinakalmot ng nakapasok na daga ang kisame.
Nagsusugat ang dalumat. Nasasagi ng pusa
ang taob na palanggana. Nagsisilabasan ang mga anino
sa panaginip. Sinusundan ng langgam ang bakas ng bahaw,
manaka-nakang napapatid ang landas. Nakapulupot
sa kawad ang saranggolang di magising ng simoy.
Mabalahibo ang alunignig. Pinupunit ng paniki
ang nisnis na alpombrang sinusulsi muli ng kaluskos
sa kalsada. Sinu-sinulid ang ulan sa aking isip,
dumadaloy sa mala-kidlat na bitak ng lupa.
Natatastas ang tahi sa pagitan ng araw at gabi,
ng pagtulog at paggising. Umuungol ang alkantarilya
sa ilalim ng sahig habang dumaraan ang nanginginaing ulap.
Tumatahol ang asong nakapikit. Di ako makabangon
mula sa bangungot, dahan-dahang nalulunod.
5:45
Nagwawala ang mga tandang. Di lang tigatlo
ang tilaok kundi tatlong libo. Ginigising ang siyudad
na itinatwa ang sarili magdamag. Parang walang katapusang
pagwangwang ng ambulansiyang di mahanap
ang biktima ng disgrasya. Muntik na akong mahulí
sa trabaho. Tumakbo pagbaba ng dyip, pumasok
ako sa opisinang tumutulo ang pawis. Di inaasahang
maaninaw ang larawan ng sarili nang dumaan
sa likod ng salamin ang isang mamang nakaitim.
Pag-akyat, inilapat ang daliri sa biometrics machine.
Sa almasen pagdating ng tanghali, nadatnan ko sa katabing
construction site ang malalaking makinang naghahalo
ng kongkreto at naghuhukay ng lupa. Tumitilapon ang graba.
Sumisigabo ang alikabok mula sa tinitibag na dingding
ng dáting nakatayong gusali. Nagmamartilyo ang init.
Nagmamadali para masulit ang oras, bigla akong napatigil
nang muling nasilayan ang sarili sa nakasisilaw
na sinag. Nagkalat ang lamat sa malapit nang mabasag
na salamin ng liwanag. Panay hiwa ang aking mukha.
Bumalik ang pagtilaok sa tainga, naging nakaririnding
alarma. Naghubog katawan ang mga bato
sa bundok ng tambak na nagbabantang gumuho.
Lumabas sa aking pandinig ang nag-ipong buhangin.
3:59
Nagpapalimos ang isang kamay ng orasan.
Nangangatog ang mga dingding ng bahay, nirarayuma
ang mga haligi. Ngalumata ang naiwang bukás
na bintana. Pagsakay ko ng dyip kaninang alas singko,
unti-unting natunaw ang lamig galing sa opisina.
Dahan-dahang nakapag-unat ang nangangawit
kong utak. Mabilis napuno ang sasakyan ng usok.
Gasgas ang hininga ng hanging tumatangay sa dahon.
Paos ang huni ng ibon. Umuwi akong may galos sa dibdib.
Nagising ako kani-kanina mula sa panaginip ng nililipad
na papeles, diyaryo, resibo, at kaha ng sigarilyong
nagbunton sa paanan ng muhon. Isa-isa silang dumapo
sa katabing Pasig na nangitim sa basura at langis.
Nagpatong-patong hanggang natakpan ang lawas ng tubig.
Pagbangon at pagpunta sa banyo, nakita kong nagsilabasan
ang alupihan, bulate, at ipis. May biyak na kawangis
ng gagamba ang seramikang baldosa.
Habang naghihilamos, tila may ibinubulong ang lamok.
Di ko matandaan saan nailapag ang susi, panyo, at pitaka.
6:25
Hinihingal sa treadmill, hinihintay ko ang ikatlong kilometro
bago punasan ang pawis. Samantala, salit-salit
na sinusubaybayan sa magkakatabing telebisyon ang balita,
Olympics, safari sa Africa, at ang bagets na bumibirit
ng pinagpraktisang kanta. Patuloy sa pagtakbo.
Inaabangan ko ang pamumulikat ng binti at hita,
ang pamimilipit ng tagiliran, ang pag-apoy ng lalamunan.
Tinitiis ang bumibigat at pahiráp nang pahiráp na hakbang,
ang pagkaladkad ng paa hanggang dumating ang pag-ibayo
ng lakas. Sa dulo ng pandama, nalilimutan ko ang pinapanood,
di marinig kahit ang sariling hininga. Pagsilip ko sa bintana,
natutunaw ang abot-tanaw. Nagsasanib sa dagat ng ulirat.
Ngunit bago pa masisid ng aking pinaka matuling tibok
ang lurok ng pangitain, natutuyo ang tubig. Muling tumataog
ang malakas na tugtugin ng gym, ang walang kurap na palabas,
ang nanlalagkit kong balat. Sa ilalim ng shower,
walang laman ang aking isip. Sumisingaw ang init ng katawan.
Pagpunas ng tuwalya, maaalala ang uhaw at gutom.
Ang oras na magtatakda ng umaga hanggang hapon.
8:03
Sa inip at pagkabagot, nagawa kong bilangin ang puting
buhok ng nakatalikod sa elevator, kilatisin ang kanyang nunal
sa batok. Naaamoy ko ang ipinangmeryenda ng katabing
malalim huminga, ang nanaig sa kanyang deodoran.
Mukhang naparami ang nahulí sa pag-uwi. Tahimik lahat
habang hinihintay sumakay ang mga pasahero ng bawat
buksang palapag. May mapapahatsing na pipiliting magtimpi,
may tititig sa kisameng di nabibisita ng butiki. May hihikab
na manghahawa ng isa o dalawang kapuwa inaantok.
Bumibigat ang mga bag sa pagód na balikat. Di maiiwasang
may masagi, may matapik na braso o likod. May tatapak
sa aking sapatos. Di mapakali ang halos magniig na nagsisiksikan.
Paglapag sa sahig, o sa parking, kakalikutin ang susi sa bulsa.
Ilalabas ang cellphone at magsisimulang pumindot. Bubuksan
ang mga kalupi ng papuntang ATM, fastfood, at dyip. Mabilis
mawawala sa isip ang biyahe pababa ng gusali: mula bibig,
lalamunan, at labasan. Uuwi ang bawat isang said na said.
12:00
Tinititigan nang tinititigan ng araw ang kanyang sarili
sa isang libo't isang salamin ng mga gusali habang inaakyat
ang rurok ng tanghali. Naaaninaw ang sinag sa imahen
ng imahen. Ibinabalik ang liwanag hanggang tatlong beses.
Hindi káyang titigan ng tagamasid ang langit
nang di nabubulag. Sapat nang mainitan, masilaw sa bubog.
Malas na lang ang dagâng tumingala mula sa labas
ng kanyang lungga. Di napigilang buksan ang kanyang mata.
Pisampisa, tila manggang sumabog ang laman
at naiwan na lamang ang mabuhok na butong dinugtungan
ng buntot. Napagod na siguro sa kahahanap ng matatakasan
sa loob ng labarinto ng lungsod. Humimpil at suminghap
ng mausok na hanging walang alam na kaliwa o kanan.
Tumigil sa karipas ng karera, tumingala. Sinagasaan.

Wednesday, April 11, 2012
Magdamag
Ni Miguel Paolo Celestial
1
Alas sais: nagsisilabasan na ang mga empleyadong pumasok
nang alas nuebe. Kung bagong suweldo, diretso sa bilihan ng pasalubong.
Ngunit ngayong karaniwang araw, bitbit ang baunan at ang de-takong
na sapatos, tutungo sa pila ng bus, ng tren, sa mga bangketang inangkin
ng FX. Palilipasin ang oras sa pakikinig ng huling dinownload, pagtantsya
ng ilulutong sahog, pag-aalala kung magkano ang matitira sa huling kinsenas
matapos ang kaltas ng hinuhulugan. Kung hanggang kailan bago taasan
ang sahod. Ngunit tuwing alas sais, mabagal ang usad ng trapik.
Niyayakap ng alikabok ang usok na nag-iipon sa kalsada. Makakatulog
ang empleyadong takip ang mukha ng panyo. Biglang magigising sa busina
ng nagkumpulang sasakyan o sa tinig ng nagsusukling tsuper.
Hihigpitan ang kapit sa nabitawang hawakan, sa bag at dala-dalahin.
2
Alas siyete: nagsisimula nang pumasok ang panggabing gumising
kaninang hapon at nag-almusal sa takipsilim. Habang ang iba’y
nangangating umuwi, maghihilamos at magtitimpla ng kape
kasabay ng mga katrabaho at kliyente sa Estados Unidos.
Tatlo ang orasan sa opisina, hanggang lima ang puntó ng Inggles.
Ilang palapag ang sakop ng kumpanya ng di lang agent, pati na rin
accountant, technician, at manunulat. Nakatutok lahat sa email
at headset. Lalabas lamang para magyosi at magpainit, sasairin
ang ikalawang tasa ng pampagising. Mula sa ika-42 palapag, may sariling
konstelasyon ang ilaw ng mga gusali. Sa ibayo, humihimbing
ang anak at kapatid na pinag-aaral at pinapalaki. Uuwi ang panggabi
bago lumiwanag. Ipagluluto ang mga bata bago bumalik sa kama.
3
Alas otso: patuloy sa paggawa ang mason. Hinahalo ang graba,
buhangin, at sementong ibubuhos sa bakal para sa haligi ng condo.
Halos tatlong daan silang hinatid dito ng trak, nakatayo’t siksikan.
Inilagak sa malaking butas sa lupa kasama ng iba pang piyon.
Sa loob ng yerong bakuran, mga higanteng makinang nagbubungkal,
nagbubuhat ng baras na binabarena ng obrero. Nababalot lahat
ng alikabok, namumuo ang putik sa sapatos at pantalon. Inilalatag isa-isa
ang mga palapag ng manggagawang saklob ang kamiseta sa mukha.
Umaalingawngaw ang martilyo sa kalsada. Tumitilamsik ang apoy.
Minsan, may nahuhulog na trabahador habang nagkakabit ng bintana.
Inililigpit kasama ng kagamitan. Itinatapon lamang ang kahoy ng iskafolding
na nagiging dingding, poste, at sahig ng kanilang mga tahanan.
4
Alas nuebe: umupo sandali ang bata sa anino ng waiting shed.
Imbes na bunsong kapatid ang bitbit, isang kaha ng yosi at kendi.
Palaboy-laboy ang isipan nang di mapansin ang úhaw at kalam.
Nagbara ang mga dahon sa bunganga ng kanal, nagtapal-tapal.
Itim ang tubig na tinubuan ng lumot. Sa kanyang isip, mababangga
at babaliktad ang trak ng basurang magkakaloob ng grasya.
Ngunit patuloy lamang ang pagkaripas, tangay ang alikabok
at balat ng tsitsirya. Pinagmamasdan ng uhugin ang asong nakatali
sa harapan ng duplex. Ikot nang ikot, umiikid sa poste ang kadena.
Namimilipit ang askal hanggang sa wakas tutuwad at eechas.
Nagagasgas ang kuko sa pagkahig sa kongkreto. Inaamoy-amoy
ang platong kanina pang sinaid. Sasalok ang paslit ng tubig sa lubak.
5
Alas diyes: tumabi na sa gilid ng bangketa ang naglalako ng mineral,
sigarilyo, at shingaling. Nag-aabang ng mga bumababa sa overpass.
Nakapuwesto na sa harap ng construction site ang nagtitinda ng lugaw
at tinapay sa ilaw ng gasera. Kanina pa nakauwi ang nagtutulak ng kariton
ng pakwan at pinya, ng umuusok na mani at mais. Wala na rin ang trapik
na suki ng nagtitinda ng iskrambol at ice candy. Lumipat na sa terminal
ng FX at dyip ang nagpiprito ng fishball. Pinalitan ng magbabalut
ang magtatahong rumoronda sa mga eskinita. Ngunit nakapirmi
ang naglalatag ng damit, payong, at DVD sa de-tiklop na lamesa
sa gitna ng tawiran, ang nagtitinda ng tuwalya, pitaka, at sinturon
sa ilalim ng hagdan. Dito na sila inaabutan ng antok, ipinang-uunan
ang di naibentang isinasaksak sa bayong. Ipinangkukumot ang karton.
6
Alas onse: magbabago ang oras paglapag ng eroplano sa Abu Dhabi.
Ika-anim na flight na ito ng stewardess mula nang umalis ng Maynila.
Kahahatid lang ng kumot sa nakatatandang mag-asawa sa First Class.
Makakaidlip pa siya bago ihanda ang hapunan ng mga pasahero.
Kahihiga lang ng seaman sa kanyang bunk bed matapos magbakyum
ng alpombra ng tatlong restawran. Mamaya na niya aasikasuhin ang mantsa
ng natapong alak, ang mga mantel na nakasalang sa washing machine.
Kailangan niyang gumising bago dumaong ang bapor sa Barbados.
Wala pang túlog ang hostess sa Roppongi ngunit di ito halata sa mapupula
niyang pisngi, sa ngiting umaamo sa kanyang kliyenteng nagsisimula nang
tubuan ng uban. Sa pagitan ng kanyang putol-putol na Nihonggo, pinipisil-
pisil ang mga kamay ng negosyanteng gumagapang sa kanyang kimono.
7
Alas dose: katatabi lang ng katulong ng labada, pinggan, at laruan.
Tahimik sa bahay ng kanyang amo. Pabalik sa kanyang kuwarto,
nangangawit ang likod sa kapupunas ng muebles, kapapakintab
ng sahig, at kalalampaso ng marmol. Malalalim ang mata, pasmado
ang katawan. Pagbaba ng hagdan, umaalingawngaw sa kanyang isip
ang pagtulo ng kaaayos na gripo. Umiiyak pa rin si bunso.
May ipinahahanap si kuya sa loob ng kotse. Tinatawag pa rin siya
ng senyora mula sa sala. Mahahaba ang anino ng babasaging antigo,
tila sinusundan ang kanyang mga hakbang. Sapat lang ang lugar
sa kanyang silid para sa kama at aparador. Wala na siyang lakas
para maligo o magbihis. Imbes na dasal, inuulit niya ang mga pangalan
ng kanyang mga anak, magulang, kapatid, at asawang iniwan sa Pilipinas.
8
Ala una: kararating lang ng tatlong Marya sa bangkô sa Greenbelt 3.
Mahahaba ang buhok, maiikli ang bestida. Panay ang tingin sa salamin
sabay sulyap sa madidilim na sulok ng Café Havana. Ilalabas sandali
ang cellphone, kunwari may kinakausap. Sumasayaw ang ilang turista
at expat. Pinagmamasdan ng mapipilantik na mata ang mga lamesa.
Tatayo ang isa, nakapamewang. Lalapitan ang dalawang puting mamang
maluluwang ang kamiseta, naka Reebok at Adidas. Susundan nila
ang nakatakong at pekeng Vuitton. Hawak ng isa ang kamay ng puta.
Magsisigarilyo ang dalawang natirang Marya. Aaligid sa ilalim ng poste,
sa harap ng nagsarang tindahan. Kakagatin ang pulang kuko. Minsan lang
may sabay na booking ang tatlo. Kilala na sila ng barista ng Starbucks
na bumabati lamang kapag walang nakatingin sa mga suking pokpok.
9
Alas dos: tatlumpu’t dalawang oras nang gising ang nars na naka-duty
sa ospital. Di makaalis dahil sa daloy ng pasyente. May nagdala ng aleng
nabundol sa highway, basag ang balakang. Nasunog ang balikat at pisngi
ng binatilyong nagpasiklab ng tumatagas na tangke. Isinugod ang laláking
sinaksak sa tagiliran. Tumitili ang inang malapit nang manganak.
Di maláman ng staff kung sino ang uunahin. Nakahandusay sa kandungan
ng dalaginding ang kanyang nilalagnat na kapatid na halos mawalan ng ulirat.
Kulang ang gamot. Marami nang pinauwi. Naka-ilang dukot na ang nars
ng sarili niyang guwantes at hiringgilya. Humihiyaw ang pasyenteng humihingi
ng anestisya. Gusto nang umalis ng bagong gradweyt para makapagpahinga.
Papatayin ang pager, isasara ang bintana. Ngunit pagbukas niya ng mata,
nakita ang matandang ilang patak na lang ang natira sa nakakabit na suwero.
10
Alas tres: pasan ng patáng matadero ang bangkay ng baboy na simbigat
ng di-magising na alapaap. Tabi-tabing ikinalawit ang mga kinatay.
Nakahilata sa bangketa ang mga manggagawang nanggigitata ang damit
sa dugo, sa lustay na lakas, at sa pagkahapong tagos sa buto.
Nilalangaw ang basyo ng Red Horse. Malapot ang daloy papuntang estero.
Patuloy ang pag-hose sa mga dingding na kanina lang ay pinuno ng igik
ng inahin, biik, at barakong isa-isang pinatahimik. Sinabit patiwarik, ginilitan
ang leeg, at hiniwa para lumuwa ang laman. Putimputi ang bilog na buwan.
Nagkulta ang mga anino sa kalsada. Mamasa-masa ang sampay
ng kapitbahay. Naghuhugas ng kamay ang matadero. Paalis na ang sasakyan
papuntang palengke. Walang sumunod ng tingin pagkalampag ng tambutso.
Hanggang litid ang pagod. Maihahain lamang ng sahod: betamax at lamanloob.
11
Alas kuwatro: nasa dyip pa ang hininga ng kabababang lasing.
Di pa nahihimasmasan ang alikabok ng kalsada. Kasasakay lang ng magtataho,
manininda, at de-bayong na kusinera. May matang tila bumbilya ang walang
takot na masagasaang paslit. Nag-aalmusal ng yosi ang tsuper.
Patse-patse ang kaha ng sasakyan, kalawangin. Di na mabása ang pusyaw
na patalastas sa lumang tarpolin ng upuan. Tulog pa sa harap ang mag-inang
magbibilang at magsusukli ng barya, magtatawag ng biyahe. Unti-unting tinutuklap
ng liwanag ang gabi. Katataas na naman ng presyo ng langis.
Nagsisimula nang mamasahe ang mag-aaral at empleyadong may bitbit
na dyaryo. Nakatiklop sa sariwang iskandalo. Tuyo na ang sampagitang nagbuhol
sa rosaryo. Mamaya, may mga batang lalampaso sa sahig, magpupunas
ng sapatos at manlilimos. Tatalon sa kalsada. Pagbalik, iba na ang mukha.
12
Alas singko: nakahanda na ang barikada sa bungad ng barangay
na pangalawang beses nang babalikan para sa demolisyon. Ginawang
tungkod ng plywood ang dos por dos na ipinamahagi rin para pantapat
sa arnis ng pulis. Ilang metro sa likod ng harang ang tambak ng gamit:
higaan, muebles, kalan, kubyertos, kurtina, timba, at anupang maisasalba.
Lahat ng unti-unting naipon sa ilang taon ng pagkayod: bentilador, damit,
lamesa, TV. Sako-sakong kagamitang tinatakpan ng trapal. Nakaupo
sa mga bangkô ang nakatatanda. May bimpo sa balikat, kinakabahan
dahil nagsidatingan na ang mga van lulan ang helmet, teargas, at kalasag.
Dito rin isasakay ang mga poposasan. Pagdakot ng mga iskwater ng almusal,
dumating ang bumbero. Kumikinang ang sikat ng araw sa mga molotov.
Sapat na ang liwanag para dumampot ng bato, magtungkab ng kongkreto.

Monday, December 26, 2011
Budhi bato ulan
Ni Miguel Paolo Celestial
Pumapatak ang ulan sa bato,
dumudulas sa budhi.
Bumabagsak ang ulan sa budhi,
nabibiyak ang bato.
Pumapatak ang ulan sa budhi,
dumudulas sa bato.
Bumabagsak ang ulan sa bato,
nabibiyak ang budhi.
Pumapatak ang ulan sa bato,
dumudulas sa budhi.
Bumabagsak ang ulan sa budhi,
nabibiyak ang bato.
Pumapatak ang ulan sa budhi,
dumudulas sa bato.
Bumabagsak ang ulan sa bato,
nabibiyak ang budhi.
Sunday, December 18, 2011
Pauwi
Ni Miguel Paolo Celestial
Bumaba ka sa gitna ng kalsada
dahil nagkamali ka ng sakay ng dyip.
Ikaw na lamang ang natira sa biyahe
nang napansin mong iba na ang ruta.
Nag-aalala kang baka may nakasunod
mula sa safehouse, kahit na makailang
beses mong pinagpag ang iyong daan:
tatlong ulit bumalik sa tindahan sa kanto,
dalawa sa may talyer, at isa sa sakayan.
Tatawid ka na sana kung di ka sinalubong
ng umuungol na trak. Wala kang kasama sa kalye,
pero nangangamba kang isuplong kahit ng dilim.
Di dapat umabot ng ilang oras ang miting
ngunit kailangan pag-usapan ang pagkakahuli ng kasama.
At habang nililinaw ang mga suspetsa, ang oras at lugar,
doon mo lang narinig ang tunay niyang pangalan,
lumusot sa bumibigat na lambat ng mga salita.
Namumutla na ang namumula't namumugtong mata.
Biglang lumitaw sa iyong isip ang eksena ng pagdakip:
sa palengke, sa dinadayong beerhouse,
sa eskinitang di inaasahang magbubulgar ng lihim.
Nilulon ng agam-agam ang iyong landas pauwi:
ang pasikot-sikot sa nakagawiang kalsada,
ang pag-iwas at pagtagos sa karaniwang daan.
Pagdating mo sa tarangkahan ng inuupahang
apartment, di na magkasya ang susi.
Tumalikod ka upang harapin ang umaga.
Di mo na makilala ang iyong sarili.

Thursday, May 5, 2011
Sa Powerbooks, Megamall
Ni Miguel Paolo Celestial
Pagbaba mula sa MRT,
tinawid ko ang tanghali
papunta sa mall,
para magpalipas-oras
sa tambayang bookstore.
Nagpapatugtog ang katabing record bar
ng mga bagong rock at pop single.
Bunton-buntong libro ni Paulo Coelho
ang sumalubong sa pinto.
Sa likod nito, isang buong lamesa
ng The Da Vinci Code
na kalalabas lamang sa pelikula.
Isa-isa kong sinuyod ang mga estante,
wala sa isip kung si Martin Amis
ang hinahanap o si Brett Easton Ellis,
di halos masundan ang lyrics
nina John Mayer at Tori Amos.
Bago makarating kay Marquez,
dumaan muna kay Mailer
balita bago ang mahikang pang-araw-araw,
si Calvino sa kaliwa ni Coupland
depende sa iyong pangarap o ilusyon ng siyudad.
Sa di kalayuan natisod
sina Ishiguro at Hornby
na kapuwa nagsasabing
madaling maligaw ang sarili.
Sa wakas, kipkip ang mga napili,
nakahanap ako ng puwesto sa sofa.
Kasintingkad ng mga magazine
ang mga bestseller sa aking harapan,
kumikinang sa ilalim ng fluorescent lamp.
Gravity, biglang singit ni Mayer,
is working against me. Akala mo’y
may kayakap sa malungkot na sayaw:
and gravity, wants to bring me down.
Pagbukas ko ng aklat, naamoy agad
ang bango ng bagong imprentang papel
na parang higop ng kape, hithit ng yosi.
Ilang minuto na ang nakalipas
at di pa rin ako makausad
sa ika-limang saknong ng tula ni Neruda.
Kandong ang anim na libro,
nakaipit ang daliri sa yugtong
Kung Saan Isinisilang ang Ulan
mula sa Isla Negra, nanikip ang aking dibdib.
Wala pa ring imik ang mga katabi:
Wala akong gunita
ng lupain o panahon,
ng bilang o mukha—
Patuloy ang paglabas-pasok
ng mga tao. Naghahalinhinan ang ugong
ng sasakyan at higing ng erkon,
nasasapawan ng stereo.
ang naiwan lamang
ay ang mailap na alikabok,
ang pagtatapos ng tag-araw,
at ang libingan kung saan
Magkakasunod-sunod
ang malalambing at mapupusok
na tugtog nina Eminem at 50 Cent,
ngunit walang nakakarinig
sa abalang mga mamimili
at papauwing pasahero.
dinala nila ako upang makita
kasama ng ibang puntod
ang himlayan ng aking ina.
Binati ang aking tingin
ng nakangiting tindera.
At dahil di ko pa nakikita
ang kanyang mukha,
tinawag ko ang kanyang pangalan
nang siya’y masilayan.
Nakatitig ang kaha rehistro.
Doon ko lang napansin ang lamig,
ang bigat ng mga aklat
at nangangawit na binti.
Di ko na masundan ang nakasulat sa pahina.
Nag-amoy abo at amag ang de-erkong hangin,
nalusaw ang mga kulay,
nawala sa pagkakatirik ang mga titik:
nagsanib ang lahat sa isang bola
ng tunaw na kandila.
At iyon, iyon ang sinuksukan ng mitsa—
ang kawalan ng pakiramdam, ang kawalang
saysay ng salita—
ng di-inaasahang simponiya
ni Johann Sebastian Bach:
nagliwanag ang tindahan ng aklat
na sinindihan ng biyulin, piyano, at plawta.
Tumigil sa pamamasada ang tren,
tumilapon ang garapon ng sinag
sa lamesa ng tanghaling-tapat.
Nagliparan ang mga dyaryo
sa sigabo ng pahina at resibong
isa-isang sinilaban,
naging dila ng apoy.
Biglang nagtalumpati ang mga bayani
sa papel na salaping nagsiliyab
bago nasawi at naging hangin.
Giniba ang mala-gusaling mga estante
ng isang dilubyo ng tag-init at ang naiwan
lamang ay ang mga kasama ko sa sofa,
ang tindera, ang labas-pasok
na namamasahe at nagpapalamig:
walang pangalan ang puntod
ng kanilang mga mukha.
Sa isang iglap,
nagsanib ang lahat ng aking gunita,
at sa alikabok na humihimlay
sa huling hapon ng tag-araw,
nasilayan ko ang sarili kong mukha:
isang mapa ng abuhing siyudad
na nilalandas
ng bumabahang liwanag.
Nang tumilà ang simponiya,
nanumbalik ang grabedad.
Ilang sandali ang lumipas bago ako nahimasmasan,
bago ako muling nakatayo
upang harapin ang nakasisilaw na pinto.

Wednesday, April 27, 2011
Anibersaryo
Ni Miguel Paolo Celestial
Lumubog ang aking tsinelas sa putik at doon ko lamang napansin
ang hanging may dalang ambon. Naglalakad papunta
sa istasyon ng traysikel, sinalubong ako ng lamig ng paparating na bagyo.
Kanina, mula sa aking upuan sa bus, sunod-sunod na natatabig
ng siko, bag, braso. Ngayo’y lumulusot lamang ang biglang sumalakay
na lamig. Bumalik ang lungkot na inuwi ilang buwan nang nakaraan,
tinatahak ang malapad na kalsadang singdilim. Lumalim dahil humiling
ka ng puwang. Sinulsulan ng simoy ang lagas na dahon ng akasya
at naalala ko noong tinalikuran mo ako dahil di ka makatulog,
dahil nasanay ka nang mag-isa sa iyong kama kasama ang librong
isinasara bago patayin ang ilaw, bago itabi ang antipara sa lamesita.
Pagsilong ko sa anino ng punò, iniwan ako ng aking mga bakas,
tulad ng mga sandaling patuloy na lumipas noong gabing una kitang
nakatabi magdamag. Kumaripas ng takbo ang mga sasakyan,
papalayo nang papalayo hanggang makarating sa aking kasalukuyang
kinatatayuan. Di ka pa rin natatagpuan. Di ko pa rin nahahanap
ang iyong palad mula noong huling gabi sa sinehan
nang hinimas mo lamang ang aking tuhod bilang tugon
sa dilim na naiwan sa aking upuan.

Monday, March 28, 2011
Mula sa Rupero
Ni Miguel Paolo Celestial
Madalas sa madalas, tuwing tayo'y nag-uusap,
di ko mawari kung sino ang iyong nakikita
bago mo pa isa-isahin ang plastik na butones,
bago mo tanggalin ang tupi ng aking mga manggas.
Dahil kapag niluwagan na ang sinturon at nahulog
ang pantalon, nakakalimutan ang landas ng sapatos,
nawawalan ng kasaysayan ang dumikit na alikabok.
Iisang mata lamang ang malulusutan ng sintas,
ngunit pareho tayong nakapikit, natatakot
hubarin ang pinakahuling pilas ng damit.
Pawisan, balat sa balat, dagli tayong nagbibihis,
sinusuot ang sari-sariling kamiseta ng hininga.
Dahil bago mo pa ako hinubaran sa tingin,
sinimulan na kitang unti-unting tastasin.
Translation: 'From the Hamper', with pictures

ensayo,
love poetry,
Miguel Paolo Celestial
Saturday, March 12, 2011
Kay Leonard Co
Ni Miguel Paolo Celestial
O mabunying kalupaan! Nasaan pa ang iyong dangal
Kung bundok mo’y mababa at ilog mo’y matumal?
Leonard Co
Walang mintis, káya niyang panglanan
ang mga halaman mula sa paanan
ng bundok hanggang gulugod — at pabalik.
Walang dawag at sukal na di kinilatis,
punong di inakyat, gubat na di binagtas.
Mula sa dahon, bulaklak, sanga, at ugat
humugot ng lunas para sa karamdaman
ng karaniwang mamamayan, ng taumbayan.
Hanggang sa hulí, nakalahad ang palad,
nakadipa tulad ng punong walang laban
nang tinutukan ng sundalong nagpaulan
ng bala at pumaslang sa guro at pantas.
Gaya ng ibang binhing pinitas nang di oras –
mag-aaral, aktibista, doktor, peryodista –
ganoon na lamang sinayang ang bunga
ng lubos na pagyabong at pamumulaklak.
Inuubos ang naiiwang nakikipagtuos
para sa dangal ng lupain. Ang bawat bayani
ay pinahahalik sa lupa ng mambubusabos,
ibig patahimikin. Ngunit paano mapapawi
ang ihip ng hangin kung mahahalinhan ng awit,
paano matutuyo ang ilog kung umaagos
mula sa bukal ang dugo? Kung tayo’y nakatindig,
sinong makatitibag at makapapatag ng bundok?

bayan,
bayani,
ensayo,
Miguel Paolo Celestial
Subscribe to:
Posts (Atom)