Di ko na susubukan pang kumpletuhin ang listahan, kaya gamitin niyo na lang ang "mouse over" function (sumangguni sa banner sa kanan) para sa talasalitaan
Alingaro: palumpong na gumagapang paakyat, laging may dahon, at may bungang hugis itlog at kulay pulá
Anás: mahina at mababàng tinig, higit na malakas kaysa sa bulong
Andáp: liwanag na malamlam, kukurap-kurap o patay-sindi
Asbók: sigalbó (sigabó) ng alikabok, singaw, usok, o katulad
Bagnós: landas sa bundok o gubat
Balisbís: rabaw na mas mataas ang isang panig sa kabilâ; dahílig
Bignáy: punongkahoy na tumataas nang 4-10m at may bungang kumpol-kumpol na tíla duhat
Bukál: pinagmumulan ng tubig
Dagítab: elektrisidad
Daglî: agád
Dalúmat: paglirip ng malalim sa anuman; bunga ng gayong paglilirip: konsepto
Datiles: aratiles
Dáwag: baging na matinik, lungti, at maliliit ang bulaklak; etc; pook na masukal
Dipá: pagpupuwesto sa paraang pakrus o pantay-balikat na pag-unat ng dalawang kamay
Gaygáy: paghahanap nang puspusan sa lahat ng dako
Gulugód: pahabâng hugpong-hugpong na butó mula sa batok hanggang sa kuyukot na suporta ng katawan
Hugpóng: bagay na nag-uugnay o nagkakabit sa dalawang bagay
Hukót: kubà
Ilahás: nabubuhay sa likás na kalagyan, nakatira sa mga likás na pook gaya ng gubat o parang
Kalimbahín: uri ng bayabas na may mga butóng nakabaón sa lamukot na kulay pink; pink
Kimpál: likidong namuo; piraso o mása ng solidong bagay na walang tiyak na hugis
Kuyukôt: ang pinakamaliit at hugis tatsulok na butó sa dulong ibabâ ng gulugod, karaniwan sa mga vertebrate
Lagaslás: malakas na tunog ng tubig na bumabagsak mula sa mataas na pook gaya ng talón: hagalhál, buluswák, lagaklák, lagasáw, lagunglóng
Láhad: pagpapakita ng mga bagay na itinatago
Lamlám: paghinà ng sinag ng liwanag
Lamúkot: mahimaymay na bahagi ng bunga at nása paligid ng butó, gaya sa mangga
Limayón: libot o paglilibot
Lírip: pagninilay upang mabatid ang katotohanan o halaga ng isang bagay o pangyayari
Mamaráng: funggus na maputî at katamtaman ang lakí
Mamúnso: mamúso: uri ng ilahas na kabute
Pahám: tao na matalino; tao na bantog sa katalinuhan o sinasamba dahil sa pambihirang karunungan
Pantás: pahám
Pasumalá: pansamantala
Pasuwít: malakas at maikling sipol, karaniwang ginagamit sa pagtawag; sutsot kung may tinatawag sa malayo
Patúto: hanggahan ng lupang pag-aari
Pílas: maliit na piraso ng papel, tela, at katulad; púnit o pagpúnit
Piníd: nakasara
Pulút-pukyútan: malapot at matamis na likido, nililikha ng bubuyog mula sa nektar ng bulaklak, ginagamit bilang pagkain o pampatamis
Rabáw: ibabaw, surface
Sigábo, sigabó: pag-ilanglang ng makapal na alikabok; ingay na sabay-sabay
Sagíla: pagdalaw na hindi tumitigil sa alinmang bahay; pagsagi sa isipan ng isang tao
Sambalilo: sombrero
Siít: maliliit at matinik na sanga ng kawayan; tinik
Sikháy: sikap
Súkal: duming nagkálat; masninsing tubò ng maliliit na punongkahoy
Tatáp: malaman o maintindihan
Tibág: unti-unting pagkabawas o pagkagiba ng kabuuan, gaya ng lupà na natibag dahil sa kinain ng ulan o hangin, tinangay ng bahâ o kayâ'y sinadyang pagtibag nitó
Tikatík: hinggil sa ulan na mahinà ngunit tuloy-tuloy
Tilà: pagtigil ng ulan
Trambiyá: streetcar
Ug-óg: pagkalog o pagyugyog sa sisidlan upang maging siksik; liglig
Yungyóng: isáma o ilagay ang isang bagay na sa pangangalaga ng isang tao bílang proteksyon
Mula sa 'UP Diksiyonaryong Filipino: Bagong Edisyon (2010)'