Ni Miguel Paolo Celestial
Mata
Maghapon sa isang sulok ng silid: malalagas ang dahon ng sampalok,
lulusot ang silahis sa salamin. Lumulubog ang araw sa laot, lumilipad
ang kalapati pauwi. Nananatili ang iyong tingin kahit sa pagdilim
ng tubig, kahit sa kinang ng luhang sinlaki ng dagat pagpikit.
Noo
Walang sinlawak ang abot-tanaw ng pamamaalam at ang pinaka huling bakas
ay tatak ng labì sa balat, nananatili tulad ng lamlam ng lampara sa gunita,
init sa ilalim ng kubrekama. Magkasabay nating tiningala ang langit.
Sa isang haplos, napawi ang mga ulap. Nagsanib ang ating panganorin.
Pisngi
Nauunang sumikat ang liwanag sa iyong mukha. Bumabangon
ang parang sa huni ng maryakapra. Hinahaplos ng hangin ang inaantok
na damuhan. Kulay kalimbahin ang langit na unti-unting lumalawak
at umiinit. Mamumula ang bakas ng halik bago sumilay ang ngiti.
Tainga
Kung alam ko sana ang sasabihin para matawid ang dilim sa pagitan
natin. Walang laman ang katahimikan tulad ng mabatong dalampasigan:
bagong káti, nagkalat ang basag na korales. Sisiksik ako sa iyong tabi,
ngunit lalo kang lalayo sa aking piling. Nalulusaw ang bulong sa buhangin.
Labì
Magkasunod ang kidlat at kulog, ang paghiwa at panginginig.
Pagbiyak natin ng talaba, kakagatin ang laman, masusugatan. Nagliliyab
ang bugambilya sa pugad ng tinik, ngunit di natutupok ang bulaklak.
Walang dumadanak kahit anong talas ng ating paglalambing.
Leeg
Humihimbing ang hardin. Dumudulas ang dila sa pawis. Lumalalim ang hininga,
humihigpit ang kapit. Pagpikit, guguhit sa balat ang kidlat. Sisikip ang yakap
ng dilim at langit. Maglalaho ang hiwa ng buwan. Namumuo sa lupa ang di makasingaw
na alimuom. Humihigop, humuhugot ang mga halik. Dumadaloy sa salamin ang tubig.
Likod
Walang pakpak ang iyong mga hilik na naririnig mula sa aking panig
ng kama. Walang takas ang anumang natitirang galit sa aking dibdib na ilalapat
sa iyong balat. Iisa ang ating anino sa silid, iisa ang puder ng pintig.
Nakadantay ang panunggab at pananggalang na biyas at bisig. Sa’yo nagpadaig.
Showing posts with label love poetry. Show all posts

Saturday, October 17, 2015
Sunday, May 20, 2012
Ondoy
Ni Miguel Paolo Celestial
Umiikot ang bentilador sa restawran sa ibaba.
Dumaraan ang mga tao, pinapanood ng mga naghahapunan.
Lumipas na ang tag-ulan. Napagmamasdan ko na ngayon
ang paglampas ng oras: ang pila sa pelikula, ang mga sandali
bago ng palabas. Ngunit bumabalik pa rin ang eksena
ng humahampas na bagyo, ang ating mga pisnging
naaampiyasan. Ang pagmasid nang hubad mula sa balkonahe,
mula sa kama, mula sa kotseng muntik nang tumirik sa bahâ.
Nagbubulatlat ako ng diyaryo tuwing umaahon ang umaga.
Hinihintay pumatak lahat ng kape sa salaan, mag-isang
humaharap sa hapag. Walang ulap ang liwanag
ngunit di ko na maalala ang mga linya ng iyong mukha,
di na mabása tulad ng mga librong tinigmak ng putik –
tinatago-tago at ayaw ibilad. Ayaw itapon kahit di na maisasalba.
Lusaw ang mga pahina, nagkadikit-dikit ang mga pangungusap.
Di ko inasahang mahalin ka. Nahugasan na ang lagkit
sa aking kuwarto mula sa umapaw na tubig galing banyo,
ngunit di pa rin natutuyo ang ating damit, ang mga halik.
Ang luhang di ko mapunasan dahil nanatili sa dibdib.

Saturday, May 5, 2012
Bitin
Ni Miguel Paolo Celestial
Iniwan mo ako sa laot na walang sagwan.
Walang hangin at walang alon. Tumigil
ang manunugtog bago bumalik sa koro.
Paano ko malalaman anong susunod?
Iniwan mo ako sa laot na walang sagwan.
Walang hangin at walang alon. Tumigil
ang manunugtog bago bumalik sa koro.
Paano ko malalaman anong susunod?
Monday, September 19, 2011
Scheherazade
By Richard Siken
Tell me about the dream where we pull the bodies out of the lake
and dress them in warm clothes again.
How it was late, and no one could sleep, the horses running
until they forget that they are horses.
It's not like a tree where the roots have to end somewhere,
it's more like a song on a policeman's radio,
how we rolled up the carpet so we could dance, and the days
were bright red, and every time we kissed there was another apple
to slice into pieces.
Look at the light through the windowpane. That means it's noon, that means
we're inconsolable.
Tell me how all this, and love too, will ruin us.
These, our bodies, possessed by light.
Tell me we'll never get used to it.
From 'Crush'

Labels:
American poetry,
love poetry,
Richard Siken
Wednesday, April 27, 2011
Anibersaryo
Ni Miguel Paolo Celestial
Lumubog ang aking tsinelas sa putik at doon ko lamang napansin
ang hanging may dalang ambon. Naglalakad papunta
sa istasyon ng traysikel, sinalubong ako ng lamig ng paparating na bagyo.
Kanina, mula sa aking upuan sa bus, sunod-sunod na natatabig
ng siko, bag, braso. Ngayo’y lumulusot lamang ang biglang sumalakay
na lamig. Bumalik ang lungkot na inuwi ilang buwan nang nakaraan,
tinatahak ang malapad na kalsadang singdilim. Lumalim dahil humiling
ka ng puwang. Sinulsulan ng simoy ang lagas na dahon ng akasya
at naalala ko noong tinalikuran mo ako dahil di ka makatulog,
dahil nasanay ka nang mag-isa sa iyong kama kasama ang librong
isinasara bago patayin ang ilaw, bago itabi ang antipara sa lamesita.
Pagsilong ko sa anino ng punò, iniwan ako ng aking mga bakas,
tulad ng mga sandaling patuloy na lumipas noong gabing una kitang
nakatabi magdamag. Kumaripas ng takbo ang mga sasakyan,
papalayo nang papalayo hanggang makarating sa aking kasalukuyang
kinatatayuan. Di ka pa rin natatagpuan. Di ko pa rin nahahanap
ang iyong palad mula noong huling gabi sa sinehan
nang hinimas mo lamang ang aking tuhod bilang tugon
sa dilim na naiwan sa aking upuan.

Tuesday, April 12, 2011
True Love
By Wisława Szymborska
True love. Is it normal
is it serious, is it practical?
What does the world get from two people
who exist in a world of their own?
Placed on the same pedestal for no good reason,
drawn randomly from millions but convinced
it had to happen this way—in reward for what? For nothing.
The light descends from nowhere.
Why on these two and not on others?
Doesn't this outrage justice? Yes it does.
Doesn't it disrupt our painstakingly erected principles,
and cast the moral from the peak? Yes on both accounts.
Look at the happy couple.
Couldn't they at least try to hide it,
fake a little depression for their friends' sake?
Listen to them laughing—its an insult.
The language they use—deceptively clear.
And their little celebrations, rituals,
the elaborate mutual routines—
it's obviously a plot behind the human race's back!
It's hard even to guess how far things might go
if people start to follow their example.
What could religion and poetry count on?
What would be remembered? what renounced?
Who'd want to stay within bounds?
True love. Is it really necessary?
Tact and common sense tell us to pass over it in silence,
like a scandal in Life's highest circles.
Perfectly good children are born without its help.
It couldn't populate the planet in a million years,
it comes along so rarely.
Let the people who never find true love
keep saying that there's no such thing.
Their faith will make it easier for them to live and die.
Translated by Stanisław Barańczak and Clare Cavanagh
From 'Poems Collected and New'
Read about Wisława Szymborska

Nobel,
Polish poetry,
Wisława Szymborska
Monday, March 28, 2011
Mula sa Rupero
Ni Miguel Paolo Celestial
Madalas sa madalas, tuwing tayo'y nag-uusap,
di ko mawari kung sino ang iyong nakikita
bago mo pa isa-isahin ang plastik na butones,
bago mo tanggalin ang tupi ng aking mga manggas.
Dahil kapag niluwagan na ang sinturon at nahulog
ang pantalon, nakakalimutan ang landas ng sapatos,
nawawalan ng kasaysayan ang dumikit na alikabok.
Iisang mata lamang ang malulusutan ng sintas,
ngunit pareho tayong nakapikit, natatakot
hubarin ang pinakahuling pilas ng damit.
Pawisan, balat sa balat, dagli tayong nagbibihis,
sinusuot ang sari-sariling kamiseta ng hininga.
Dahil bago mo pa ako hinubaran sa tingin,
sinimulan na kitang unti-unting tastasin.
Translation: 'From the Hamper', with pictures

ensayo,
love poetry,
Miguel Paolo Celestial
Friday, December 31, 2010
Almusal
ni Miguel Paolo Celestial
Umuusok ang kape at may ngiting arnibal
ang pankeyk sa plato. Maliliit ang aking hiwa
sa mala-únang pisngi ng gatas, itlog, at arina.
Tumutulo ang pulut-pukyutan mula sa tinidor.
Sinasabayan ko ng kagat sa longganisang
mamantika't maalat ang bawat kimpal ng lamán.
Pinapahiran ng krema habang pinagmamasdan
ang mga bagong gising at pawisang nagjo-jogging.
Lumamlam na ang langit, kulay krim. Singgusot
ng kumot at kubrekama pagbangon natin kanina.
Pinagpag nang pinagpag ang telang may pinong burda
hanggang mawala ang lúkot ng pagkakayakap.
Pinulot ang biglang pinandirihang buhok sa punda.
Pagsintas mo ng sapatos, tinitigan ko ang kámang
unti-unting sinigâan ng araw. Ubos na ang sariwang-
pigâng dalanghita ngunit di nababawasan ang uhaw.

Thursday, December 30, 2010
Ako at Ikaw
Ni Miguel Paolo Celestial
Binabaan mo ako ng telepono, sa pagkukunwari sa katabi mong nobyo na hindi ako ako. Na kaibigan ako ng kapatid mo, na dati akong bisita sa bahay ninyo. Iba ang iyong sinambit sa naisingit mong mga bulong: May tao dito... Binuksan at ibinagsak mo pa nga ang pinto para tanungin ang natutulog mong kapatid. Kahit ako akala ko ibang tao na rin ako. Nakisakay at ibinaba ang telepono sa ikalawa kong tawag. Nakisama sa mga anino sa aking kuwartong pinid ang bibig dahil walang nauunawaan, hindi alam kung paano sila naging anino, kung bakit pagbukas ng ilaw, bigla silang naglalaho.
Lumabas sa High Chair Poetry Journal, 2008

Saturday, May 15, 2010
Tuwing Umuulan at Kapiling Ka
Ni Miguel Paolo Celestial
Humahampas ang bagyo, di tayo magkarinigan.
Ilang pintig ang inagaw ng kulog. Sinasalat ko sa dilim
ang iyong pulso. Di mo pinapansin, haplos ng anino.
Walang makita sa kalsada, nakatirik ang trapik.
Kumikinang ang bintana sa dumadaloy na ulan.
Nalulunod ang busina. Marungis ang larawan sa salamin.
Pagharap ko muli sa silid, walang nasisilayan sa biglang
liwanag ng kidlat. Makapal pa ang putik sa baha
kaysa sa alaalang bumabalik lamang tuwing sakuna.

Saturday, September 12, 2009
Bago at pagkatapos
Ni Miguel Paolo Celestial
Para akong nilalagnat, di mapakali. Nangangati ang talampakan, kinakati. Meron akong sakit na walang lunas. Para akong latak na iniwan ng baha, malagkit at mamasa-masa. Nauuna sa aking hininga ang kabog ng aking dibdib, di sa kaba kundi sa itim at matapang na kape. Di nauubos ang askal sa kalye, galisin at nagdadala ng rabis. May epidemyang dala ang ganitong mga gabing gutom, di maaaring mabusog.
. . . . . . . . .
Ipinagtabi niya ang aking sepilyo sa kanyang sepilyo, malapit sa hugasan ng pinggan, sa ikalawa kong bisita sa kanyang condo. Ngayon, makalipas ng tatlong pagtatagpo - umagang may halik sa pisngi at balikat - ilang araw na itong tuyo sa kinalalagyan. Hindi ko alam kung nabasa ang kanyang pisngi nung gabing tinalikuran ko siya at di na binalikan, nung pilit niyang pigilan ang daloy ng mga salita at nagmamakaawa ang katahimikan ng kanyang silid. Ilang araw nang nadadampian ng ambon ang aking paggising. Ilang araw nang puyat ang liwanag, di makabangon, di marunong humingi ng tawad.

Wednesday, July 15, 2009
Buhangin / Sand
By Miguel Paolo Celestial
Walang pag-ibig ang pinakamatatamis nating halik.
Walang pagtataksilan ang ating mga haplos.
Dagat ang iyong hinagkan. Dumudulas ang mahihigpit kong yakap.
Matutuyo kang wasak, buhanging kumikinang ang alat.
There is no love in our sweetest kisses.
Nothing to be betrayed by our caresses.
You have touched the sea. My embraces recede.
Left as sand for the sun, salt will glitter on your skin.

Saturday, January 17, 2009
Always
By Pablo Neruda
Facing you
I am not jealous.
Come with a man
at your back,
come with a hundred men in your hair,
come with a thousand men between your bosom and your feet,
come like a river
filled with drowned men
that meets the furious sea,
the eternal foam, the weather.
Bring them all
where I wait for you:
we shall always be alone,
we shall always be, you and I,
alone upon the earth
to begin life.
Translated by Donald D. Walsh
From 'The Captain's Verses'
Read about Pablo Neruda

Subscribe to:
Posts (Atom)