Ni Miguel Paolo Celestial
Itong umagang galing sa panaginip
na may marahang init at simoy
na bumubulong ng mga pangalang
matagal nang nalimot at naitiklop
sa mga dahong ngayong bumabalik,
kasama ng usok ng ihawan,
kumaluskos kasabay ng tsismis
ng pulutong sa sidewalk.
Banayad ang liwanag na bumibilad
sa mga paslit at nagpapakinang
sa sabon-panlabang isa-isang
nabubuo at pumuputok ang bula,
saglit na bahaghari ng alaala.
1 comment:
ang lungkot ho naman nito. Sir, bakit ho "walang mukha"? Lisa
Post a Comment