Ni Miguel Paolo Celestial
Binabaan mo ako ng telepono, sa pagkukunwari sa katabi mong nobyo na hindi ako ako. Na kaibigan ako ng kapatid mo, na dati akong bisita sa bahay ninyo. Iba ang iyong sinambit sa naisingit mong mga bulong: May tao dito... Binuksan at ibinagsak mo pa nga ang pinto para tanungin ang natutulog mong kapatid. Kahit ako akala ko ibang tao na rin ako. Nakisakay at ibinaba ang telepono sa ikalawa kong tawag. Nakisama sa mga anino sa aking kuwartong pinid ang bibig dahil walang nauunawaan, hindi alam kung paano sila naging anino, kung bakit pagbukas ng ilaw, bigla silang naglalaho.
Lumabas sa High Chair Poetry Journal, 2008
No comments:
Post a Comment